Isaias 8:13-16
Isaias 8:13-16 ASD
Ako, ang PANGINOON ng mga Hukbo, ay dapat ninyong kilalaning banal. Ako ang dapat ninyong katakutan. Ako ang magiging kanlungan ninyo. Ngunit sa mga taga-Israel at taga-Juda, katulad ako ng isang batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. At para sa mga taga-Jerusalem, para akong isang bitag. Marami sa kanila ang matitisod, madadapa at mapapahamak. Masisilo sila at mahuhuli.” Kayong mga tagasunod ko, ingatan ninyo ang mga aral ko.

