Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 8:13-16 - Compare All Versions

Isaias 8:13-16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ngunit si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang dapat ninyong kilalanin bilang Banal. Siya ang dapat ninyong igalang at dapat katakutan. Sa dalawang kaharian ng Israel, siya'y magiging isang santuwaryo, isang batong katitisuran; bitag at patibong para sa mga naninirahan sa Jerusalem. Dahil sa kanya, marami ang babagsak, mabubuwal at masusugatan; marami rin ang masisilo at mahuhulog sa bitag.” Ingatan mo at pagtibayin ang mensaheng ito para sa aking mga alagad.

Isaias 8:13-16 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ako, ang PANGINOON ng mga Hukbo, ay dapat ninyong kilalaning banal. Ako ang dapat ninyong katakutan. Ako ang magiging kanlungan ninyo. Ngunit sa mga taga-Israel at taga-Juda, katulad ako ng isang batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. At para sa mga taga-Jerusalem, para akong isang bitag. Marami sa kanila ang matitisod, madadapa at mapapahamak. Masisilo sila at mahuhuli.” Kayong mga tagasunod ko, ingatan ninyo ang mga aral ko.

Isaias 8:13-16 TLAB (Ang Biblia)

Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang inyong aariing banal; at sumakaniya ang inyong takot, at sumakaniya ang inyong pangingilabot. At siya'y magiging pinakasantuario; nguni't pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem. At marami ang mangatitisod doon, at mangabubuwal, at mangababalian, at mangasisilo, at mangahuhuli. Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad.

Isaias 8:13-16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ngunit si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang dapat ninyong kilalanin bilang Banal. Siya ang dapat ninyong igalang at dapat katakutan. Sa dalawang kaharian ng Israel, siya'y magiging isang santuwaryo, isang batong katitisuran; bitag at patibong para sa mga naninirahan sa Jerusalem. Dahil sa kanya, marami ang babagsak, mabubuwal at masusugatan; marami rin ang masisilo at mahuhulog sa bitag.” Ingatan mo at pagtibayin ang mensaheng ito para sa aking mga alagad.

Isaias 8:13-16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))