Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 41:22-24

Isaias 41:22-24 ASD

Lumapit kayo at sabihin sa amin kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Sabihin ninyo sa amin ang inyong mga sinabi noon na mangyayari para malaman namin kung nangyari nga ito. Sabihin ninyo sa amin kung ano ang mangyayari sa hinaharap para malaman namin na kayo ngaʼy mga diyos. Gumawa kayo ng mabuti o ng masama para kami ay magtaka at matakot sa inyo. Ngunit ang totoo, wala kayong silbi at wala kayong magagawa. Kasuklam-suklam ang mga taong pumili sa inyo para kayo ay sambahin.