Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 7:25-28

Mga Hebreo 7:25-28 ASD

Kaya maililigtas niya nang lubos ang sinumang lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, dahil nabubuhay siya magpakailanman upang mamagitan para sa kanila. Si Hesus ang punong pari na kailangan natin dahil banal siya at walang kapintasan, walang kasalanan, hiwalay sa mga makasalanan, at itinaas nang higit pa sa kalangitan. Hindi siya katulad ng ibang punong pari na kailangang maghandog araw-araw para sa kasalanan niya, at pagkatapos, para naman sa mga kasalanan ng mga tao. Si Hesus ay minsan lang naghandog para sa lahat nang ialay niya ang kanyang sarili. Ang mga itinalagang naging punong pari ayon sa Kautusan ay may mga kahinaan. Ngunit ayon sa sinumpaan ng Diyos matapos maibigay ang Kautusan, itinalaga niya ang kanyang Anak na maging punong pari magpakailanman, dahil natupad nito ang layunin ng Diyos.