Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 13:1-7

Mga Hebreo 13:1-7 ASD

Magpatuloy kayo sa pagmamahalan bilang magkakapatid kay Kristo. Huwag ninyong kalimutang patuluyin ang mga dayuhan sa tahanan ninyo. May mga taong gumawa niyan noon, at hindi nila alam na mga anghel pala ang mga bisita nila. Damayan ninyo ang mga kapatid na nasa bilangguan na parang nakabilanggo rin kayong kasama nila, at damayan din ninyo ang mga kapatid na pinagmamalupitan na para bang dumaranas din kayo ng ganoon. Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nangangalunya at ang mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad. Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos, “Hinding-hindi ko kayo iiwan ni pababayaan man.” Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?” Alalahanin nʼyo ang mga dating namuno sa inyo na nagbahagi sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin nʼyo kung paano silang namuhay at namatay na may pananampalataya. Sila ang tularan ninyo.