Alalahanin nʼyo ang nakaraang panahon, noong una kayong naliwanagan. Dumaan kayo sa matinding hirap, ngunit tiniis nʼyo ito at hindi kayo nadaig. Kung minsan, inaalipusta kayo at inuusig sa harapan ng mga tao. At kung minsan namaʼy inaalalayan ninyo ang mga kapatid na dumaranas ng ganitong pagsubok. Dinadamayan ninyo ang mga kapatid na nakabilanggo. At kahit inagawan kayo ng mga ari-arian, tiniis ninyo ito nang may kagalakan dahil alam nʼyong mayroon kayong mas mainam na kayamanang hindi mawawala kailanman. Kaya huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo. Kailangan ninyong magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos, at matanggap ninyo ang ipinangako niya.
Basahin Mga Hebreo 10
Makinig sa Mga Hebreo 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Hebreo 10:32-36
4 Araw
Ang katapatan at pagtitiyaga ay napakahalaga sa buhay espiritwal. Nais ng Diyos na tayo ay maging matapat sa kapwa maliliit at malalaking bagay. Nais din ng Diyos na mamuhay tayo nang matiyaga upang mas maging ganap tayo sa harap Niya.
14 Days
Dive deeper. Swim farther. This 14 day reading plan for teens helps take your spirituality to the next level. You will have the opportunity to dive into God's Word and be challenged through daily devotionals along the way.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas