Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 29:9-11

Genesis 29:9-11 ASD

Nagsasalita pa si Jacob sa kanila nang dumating si Raquel na dala ang mga tupa ng kanyang ama, dahil siya ang nagpapastol ng mga ito. Pagkakita ni Jacob kay Raquel na anak ng tiyuhin niyang si Laban, na kasama ang mga tupa, pumunta siya sa balon at pinagulong ang bato at pinainom ang mga tupa ng tiyuhin niyang si Laban. Pagkatapos, hinagkan niya si Raquel at napaiyak siya sa tuwa.