Genesis 29:9-11
Genesis 29:9-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nakikipag-usap pa si Jacob nang dumating si Raquel na kasama ang kawan ng kanyang ama. Nang makita ni Jacob si Raquel na kasama ang kawan ni Laban, binuksan ni Jacob ang balon at pinainom ang mga tupa. Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak siya sa tuwa.
Genesis 29:9-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nagsasalita pa si Jacob sa kanila nang dumating si Raquel na dala ang mga tupa ng kanyang ama, dahil siya ang nagpapastol ng mga ito. Pagkakita ni Jacob kay Raquel na anak ng tiyuhin niyang si Laban, na kasama ang mga tupa, pumunta siya sa balon at pinagulong ang bato at pinainom ang mga tupa ng tiyuhin niyang si Laban. Pagkatapos, hinagkan niya si Raquel at napaiyak siya sa tuwa.
Genesis 29:9-11 Ang Biblia (TLAB)
Samantalang nakikipagusap pa siya sa kanila, ay dumating si Raquel na dala ang mga tupa ng kaniyang ama; sapagka't siya ang nagaalaga ng mga iyon. At nangyari, nang makita ni Jacob si Raquel na anak ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina, at ang mga tupa ni Laban na kapatid ng kaniyang ina, na lumapit si Jacob at iginulong ang bato mula sa labi ng balon, at pinainom ang kawan ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina. At hinagkan ni Jacob si Raquel; at humiyaw ng malakas at umiyak.
Genesis 29:9-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nakikipag-usap pa si Jacob nang dumating si Raquel na kasama ang kawan ng kanyang ama. Nang makita ni Jacob si Raquel na kasama ang kawan ni Laban, binuksan ni Jacob ang balon at pinainom ang mga tupa. Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak siya sa tuwa.
Genesis 29:9-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)