Genesis 15:7-12
Genesis 15:7-12 ASD
Sinabi pa niya kay Abram, “Ako ang PANGINOON na nag-utos sa iyo na lisanin ang Ur na sakop ng mga Caldeo upang ibigay sa iyo ang lupaing ito at magiging pag-aari mo.” Ngunit sinabi ni Abram, “O Makapangyarihang PANGINOON, paano ko po malalaman na magiging akin ito?” Sumagot ang PANGINOON, “Dalhan mo ako rito ng isang dumalagang baka, isang babaeng kambing, at isang lalaking tupa, na ang bawat isaʼy tatlong taon ang gulang. At magdala ka rin ng isang inakay na batu-bato at isang inakay na kalapati.” Kaya dinala ni Abram ang lahat ng ito sa PANGINOON. Pagkatapos, pinaghati-hati niya at inilapag sa gitna na magkakatapat ang bawat kahati. Ang batu-bato lamang at ang kalapati ang hindi niya hinati. Dumadapo sa hinating mga hayop ang mga ibong kumakain ng patay, ngunit binubugaw ito ni Abram. Nang palubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram at matinding takot ang dumating sa kanya.


