Genesis 15:7-12
Genesis 15:7-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi pa ni Yahweh kay Abram, “Ako ang kumuha sa iyo sa bayan ng Ur ng Caldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito.” Itinanong naman ni Abram, “PANGINOONG Yahweh, paano ko malalamang ito'y magiging akin?” Sinabi sa kanya, “Dalhan mo ako ng isang baka, isang babaing kambing, at isang tupa, bawat isa'y tatlong taon ang gulang. Magdala ka rin ng isang kalapati at isang batu-bato.” Dinala nga ni Abram ang lahat ng iyon at biniyak ang bawat isa maliban sa mga ibon. Inihanay niyang magkakapatong ang pinaghating hayop. Bumabâ ang mga buwitre upang kainin ang mga ito, ngunit itinaboy sila ni Abram. Nang lumulubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram, at nilukuban siya ng isang nakakapangilabot na kadiliman.
Genesis 15:7-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi pa niya kay Abram, “Ako ang PANGINOON na nag-utos sa iyo na lisanin ang Ur na sakop ng mga Caldeo upang ibigay sa iyo ang lupaing ito at magiging pag-aari mo.” Ngunit sinabi ni Abram, “O Makapangyarihang PANGINOON, paano ko po malalaman na magiging akin ito?” Sumagot ang PANGINOON, “Dalhan mo ako rito ng isang dumalagang baka, isang babaeng kambing, at isang lalaking tupa, na ang bawat isaʼy tatlong taon ang gulang. At magdala ka rin ng isang inakay na batu-bato at isang inakay na kalapati.” Kaya dinala ni Abram ang lahat ng ito sa PANGINOON. Pagkatapos, pinaghati-hati niya at inilapag sa gitna na magkakatapat ang bawat kahati. Ang batu-bato lamang at ang kalapati ang hindi niya hinati. Dumadapo sa hinating mga hayop ang mga ibong kumakain ng patay, ngunit binubugaw ito ni Abram. Nang palubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram at matinding takot ang dumating sa kanya.
Genesis 15:7-12 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi sa kaniya, Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo. At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, paanong pagkakilala ko na aking mamanahin? At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati. At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; datapuwa't hindi hinati ang mga ibon. At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram. At nang lulubog na ang araw, ay nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.
Genesis 15:7-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi pa ni Yahweh kay Abram, “Ako ang kumuha sa iyo sa bayan ng Ur ng Caldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito.” Itinanong naman ni Abram, “PANGINOONG Yahweh, paano ko malalamang ito'y magiging akin?” Sinabi sa kanya, “Dalhan mo ako ng isang baka, isang babaing kambing, at isang tupa, bawat isa'y tatlong taon ang gulang. Magdala ka rin ng isang kalapati at isang batu-bato.” Dinala nga ni Abram ang lahat ng iyon at biniyak ang bawat isa maliban sa mga ibon. Inihanay niyang magkakapatong ang pinaghating hayop. Bumabâ ang mga buwitre upang kainin ang mga ito, ngunit itinaboy sila ni Abram. Nang lumulubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram, at nilukuban siya ng isang nakakapangilabot na kadiliman.
Genesis 15:7-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)