Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 1:1-4

Genesis 1:1-4 ASD

Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. Ang lupa noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na pumapaibabaw sa lahat ay balot ng kadiliman, at ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng tubig. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag. Nasiyahan ang Diyos sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, ihiniwalay niya ang liwanag sa kadiliman.