Kung ganoon, ano ba ang silbi ng Kautusan? Ibinigay ito upang malaman ng tao na nagkakasala sila. Ngunit itoʼy hanggang sa dumating lamang ang ipinangakong apo ni Abraham. Ibinigay ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ng mga anghel, at sila ang nagbigay nito sa mga tao sa tulong ng isang tagapamagitan. Ngunit ang pangako ay hindi tulad nito. Dahil nang ibigay ito ng Diyos kay Abraham, hindi siya gumamit ng tagapamagitan o mga anghel kundi siya mismo. Kung ganoon, taliwas ba ang Kautusan sa mga pangako ng Diyos? Hindi! Sapagkat kung ang Kautusan ay makapagbibigay-buhay, ito na sana ang naging paraan ng Diyos upang ituring tayong matuwid. Ngunit sinasabi sa Kasulatan na ang buong mundo ay alipin ng kasalanan. Kaya ang mga sumasampalataya lamang kay Hesu-Kristo ang makakatanggap ng mga ipinangako ng Diyos. Noong hindi pa dumarating itong tinatawag na pananampalataya kay Kristo, para tayong mga bilanggo. Ikinulong tayo ng Kautusan hanggang sa araw na inihayag ang kaligtasan natin sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Kristo, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid. At ngayong may pananampalataya na, wala na tayo sa patnubay ng Kautusan na tagapag-alaga. Kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil sa pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus, dahil binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Kristo at namumuhay kayong katulad niya. Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Hudyo sa Hentil, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus na. At dahil kayoʼy kay Kristo na, kabilang na kayo sa lahi ni Abraham at mga tagapagmana ng mga ipinangako ng Diyos sa kanya.
Basahin Mga Taga-Galacia 3
Makinig sa Mga Taga-Galacia 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Galacia 3:19-29
20 Araw
“Sa pananampalataya lamang” tayo ay naligtas, hindi sa anumang bagay na ating ginagawa upang maging karapat-dapat sa kaloob ng kaligtasan - iyon ang malinaw at direktang mensahe ng liham sa mga taga-Galacia. Araw-araw na paglalakbay sa Galacia habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas