Ano ba naman kayong mga taga-Galacia! Sino ang gumayuma sa inyo, at naniwala kayo sa kanila? Hindi baʼt malinaw na ipinangaral ko sa inyo ang tungkol sa pagkamatay ni Hesu-Kristo sa krus? Ito ngayon ang gusto kong itanong sa inyo: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, o sa pamamagitan ng pagsampalataya ninyo dahil sa Magandang Balita na narinig ninyo? Talagang hindi nga kayo makaintindi! Nagsimula kayo bilang mananampalataya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, bakit ngayon pinipilit ninyong magpakabanal sa pamamagitan ng sarili ninyong pagsisikap? Wala na bang halaga sa inyo ang naranasan ninyo? Mawawalan na lang ba ito ng kabuluhan? Hindi baʼt ibinigay sa inyo ng Diyos ang kanyang Espiritu, at sa pamamagitan niyaʼy gumagawa kayo ng mga himala? Tinanggap ba ninyo ito dahil sa pagsunod sa Kautusan o dahil sumampalataya kayo sa Magandang Balita na napakinggan ninyo? Tingnan nʼyo ang nangyari kay Abraham. Ayon sa Kasulatan, “Sumampalataya siya sa Diyos, kaya itinuring siyang matuwid.”
Basahin Mga Taga-Galacia 3
Makinig sa Mga Taga-Galacia 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Galacia 3:1-6
15 Days
Over the course of 15 days, Paul David Tripp will remind you of God’s grace towards you—truths that never grow old. When “behavior modification” or feel-good aphorisms aren’t enough to make you new, learn to trust in God’s goodness, rely on His grace, and live for His glory each and every day.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas