Ezekiel 9
9
Ang Hatol sa mga Sumasamba sa Diyos-diyosan
1Pagkatapos, narinig ko ang Diyos na nagsasalita nang malakas, “Halikayo sa Jerusalem, kayong mga magpaparusa sa lungsod na ito. Dalhin ninyo ang inyong mga sandata.” 2Pagkatapos, may anim na taong pumasok sa hilagang pintuan ng Templo. Lahat silaʼy may dalang sandata. May kasama silang taong nakadamit ng lino at may panulat sa baywang. Tumayo sila sa tabi ng tansong altar. 3Mula pa noon, ang kapangyarihan ng Diyos ng Israel ay nasa itaas ng mga kerubin sa loob ng Templo, ngayon ay umalis na roon at lumipat sa pintuan ng Templo. Pagkatapos, tinawag ng Panginoon ang taong nakadamit ng lino at may panulat sa baywang, 4at sinabi ng Panginoon sa kanya, “Libutin mo ang buong lungsod ng Jerusalem at tatakan mo ang noo ng mga taong nagdadalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na mga ginagawa roon.”
5At narinig ko ring sinabi ng Diyos sa iba, “Sundan ninyo siya sa lungsod at patayin ang mga walang tatak sa noo. Huwag kayong maawa sa kanila. 6Patayin ninyo ang matatanda, mga binataʼt dalaga, mga ina at mga bata, pero huwag ninyong patayin ang mga may tatak sa noo. Magsimula kayo sa aking Templo.” Kaya una nilang pinatay ang mga tagapamahala na nasa harapan ng Templo.
7Pagkatapos, sinabi ng Diyos sa kanila, “Dumihan ninyo ang Templo sa pamamagitan ng pagtatambak ng mga bangkay sa bakuran at pagkatapos ay umalis na kayo.” Umalis sila at pinagpapatay ang mga tao sa buong lungsod. 8Habang pumapatay sila ng mga tao, naiwan akong nag-iisa. Nagpatirapa ako at tumawag sa Diyos, “O Makapangyarihang Panginoon, papatayin nʼyo bang lahat ang mga natitirang Israelita dahil sa galit ninyo sa Jerusalem?”
9Sumagot siya sa akin, “Sukdulan na ang kasalanan ng mga mamamayan ng Israel at Juda. Sukdulan na ang patayan sa lungsod at wala nang katarungan. Sinasabi pa nilang, ‘Hindi na tayo pinapansin ng Panginoon, itinakwil na niya ang Israel.’ 10Kaya hindi ko na sila kahahabagan, sa halip gagawin ko rin sa kanila ang ginawa nila sa iba.”
11Bumalik sa Panginoon ang taong nakadamit ng lino at may panulat sa baywang at sinabi, “Nagawa ko na po ang ipinapagawa ninyo sa akin.”
Kasalukuyang Napili:
Ezekiel 9: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.