Mula pa noon, ang kapangyarihan ng Diyos ng Israel ay nasa itaas ng mga kerubin sa loob ng Templo, ngayon ay umalis na roon at lumipat sa pintuan ng Templo. Pagkatapos, tinawag ng PANGINOON ang taong nakadamit ng lino at may panulat sa baywang, at sinabi ng PANGINOON sa kanya, “Libutin mo ang buong lungsod ng Jerusalem at tatakan mo ang noo ng mga taong nagdadalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na mga ginagawa roon.”