Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodus 25:1-9

Exodus 25:1-9 ASD

Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila sa akin. Ikaw ang tumanggap ng kanilang mga handog na gusto nilang ialay sa akin. “Ito ang mga handog na tatanggapin mo mula sa kanila: “ginto, pilak, tanso, lanang kulay asul, ube at pula, at pinong lino, telang gawa sa balahibo ng kambing, balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, magandang klase ng balat, kahoy na akasya, langis ng olibo para sa ilaw, mga sangkap sa langis na pamahid at pabango sa insenso, batong onise at iba pang mamahaling bato na ilalagay sa efod at sa pektoral. “Magpagawa ka sa mga mamamayan ng Israel ng santuwaryo para sa akin upang titira ako sa gitna nila. Ipagawa mo ang Tabernakulo at ang mga kagamitan dito ayon sa eksaktong tuntunin na sinabi ko sa iyo.