Exodo 25:1-9 - Compare All Versions
Exodo 25:1-9 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila ng kaloob sa akin at tanggapin mo ang mga buong pusong inihandog nila. Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso; lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula; mga pinong telang lino at hinabing balahibo ng kambing; balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya; langis para sa ilawan at pabangong panghalo para sa langis na pampahid at para sa insenso. Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mga mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari. Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila. Ang santuwaryo at ang lahat ng kagamitang ilalagay roon ay gagawin mo ayon sa planong ibibigay ko sa iyo.
Exodo 25:1-9 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila sa akin. Ikaw ang tumanggap ng kanilang mga handog na gusto nilang ialay sa akin. “Ito ang mga handog na tatanggapin mo mula sa kanila: “ginto, pilak, tanso, lanang kulay asul, ube at pula, at pinong lino, telang gawa sa balahibo ng kambing, balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, magandang klase ng balat, kahoy na akasya, langis ng olibo para sa ilaw, mga sangkap sa langis na pamahid at pabango sa insenso, batong onise at iba pang mamahaling bato na ilalagay sa efod at sa pektoral. “Magpagawa ka sa mga mamamayan ng Israel ng santuwaryo para sa akin upang titira ako sa gitna nila. Ipagawa mo ang Tabernakulo at ang mga kagamitan dito ayon sa eksaktong tuntunin na sinabi ko sa iyo.
Exodo 25:1-9 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila ng kaloob sa akin at tanggapin mo ang mga buong pusong inihandog nila. Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso; lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula; mga pinong telang lino at hinabing balahibo ng kambing; balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya; langis para sa ilawan at pabangong panghalo para sa langis na pampahid at para sa insenso. Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mga mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari. Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila. Ang santuwaryo at ang lahat ng kagamitang ilalagay roon ay gagawin mo ayon sa planong ibibigay ko sa iyo.
Exodo 25:1-9 TLAB (Ang Biblia)
At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin. At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso; At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing; At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia; Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob; Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral. At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila. Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin.
Exodo 25:1-9 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))