Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ester 6:1-2

Ester 6:1-2 ASD

Kinagabihan, hindi makatulog si Haring Asuero, kaya ipinakuha niya ang aklat tungkol sa kasaysayan ng kaharian niya at ipinabasa habang nakikinig siya. Nabasa ang bahagi ng kasaysayan tungkol sa pagkakatuklas ni Mordecai sa plano nina Bigtan at Teres na patayin si Haring Asuero. Sina Bigtan at Teres ay mga lingkod ng hari. Sila ang guwardiya ng pintuan ng kuwarto ng hari.