Ester 6:1-2
Ester 6:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang gabing iyon, hindi makatulog si Haring Xerxes. Ipinakuha niya ang aklat ng mahahalagang pangyayari sa kaharian at ipinabasa ito habang siya'y nakikinig. Nabasa ang bahagi ng kasaysayan tungkol sa pagkatuklas ni Mordecai sa masamang balak ng mga eunukong sina Bigtan at Teres na patayin ang Haring Xerxes.
Ester 6:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kinagabihan, hindi makatulog si Haring Asuero, kaya ipinakuha niya ang aklat tungkol sa kasaysayan ng kaharian niya at ipinabasa habang nakikinig siya. Nabasa ang bahagi ng kasaysayan tungkol sa pagkakatuklas ni Mordecai sa plano nina Bigtan at Teres na patayin si Haring Asuero. Sina Bigtan at Teres ay mga lingkod ng hari. Sila ang guwardiya ng pintuan ng kuwarto ng hari.
Ester 6:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Nang gabing yaon ay hindi makatulog ang hari; at kaniyang iniutos na dalhin ang aklat ng mga alaala ng mga gawa, at mga binasa sa harap ng hari. At nasumpungang nakasulat, na si Mardocheo ay nagsaysay tungkol kay Bigthana at kay Teres, dalawa sa mga kamarero ng hari, sa nangagingat ng pintuan na nangagisip magbuhat ng kamay sa haring Assuero.
Ester 6:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang gabing iyon, hindi makatulog si Haring Xerxes. Ipinakuha niya ang aklat ng mahahalagang pangyayari sa kaharian at ipinabasa ito habang siya'y nakikinig. Nabasa ang bahagi ng kasaysayan tungkol sa pagkatuklas ni Mordecai sa masamang balak ng mga eunukong sina Bigtan at Teres na patayin ang Haring Xerxes.
Ester 6:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)