Ito ang mga pangyayari sa panahon ni Haring Asuero. Siya ang Asuero na naghari sa 127 na lalawigan mula sa India hanggang sa Etiopia. Noong panahong iyon, pinamumunuan niya ang kanyang nasasakupan mula sa kanyang trono sa lungsod ng Susa. Nang ikatlong taon ng paghahari niya, nagdaos siya ng malaking piging para sa mga pinuno niya at sa iba pang lingkod sa palasyo. Dumalo rin ang mga pinuno ng mga kawal ng Persia at Media pati na ang mararangal na tao at mga pinuno ng mga lalawigan. Ang piging iyon ay tumagal ng anim na buwan. At sa loob ng mga panahong iyon, ipinakita ni Asuero ang kayamanan ng kaharian niya, ang kanyang kapangyarihan, at ang karangyaan ng kanyang pamumuhay. Pagkatapos noon, naghanda rin ang hari para sa lahat ng mga taga-Susa, mayaman man o dukha. Ang handaang iyon ay ginanap sa hardin ng palasyo ng hari, at tumagal ng isang linggo. Naglagay sila ng kurtinang puti at asul na tinalian ng panaling gawa sa telang lino na kulay ube. At ikinabit sa mga argolya na pilak sa mga haliging marmol. Ang mga upuan ay yari sa ginto at pilak. Ang sahig naman nito ay may disenyong yari sa kristal, marmol, nakar, at iba pang mamahaling bato. Pati ang mga kopang iniinuman ng mga panauhin ay yari sa gintong ibaʼt iba ang hugis at disenyo. Maraming mamahaling alak ang inihain angkop sa kasaganaan ng hari. Sa utos ng hari, hindi hinigpitan ang pag-iinom, sapagkat sinabihan ng hari ang mga alipin niyang pagsilbihan ang lahat hanggaʼt gusto nila. Habang nagdaraos ng piging ang hari para sa mga kalalakihan, nagdaraos din ng handaan si Reyna Vasti para sa mga kababaihan sa palasyo ni Haring Asuero. At sa ikapitong araw ng pagdiriwang, masayang-masaya ang hari dahil sa labis na nainom. Ipinatawag niya sina Mehuman, Bizta, Harbona, Bigta, Abagta, Zetar at Carcas, ang kanyang pitong eunukong nag-aasikaso sa kanya. Ipinasundo niya si Reyna Vasti sa kanila. Ipinasabi niyang isuot ng reyna ang kanyang korona para ipakita ang kagandahan niya sa mga pinuno at mga panauhin, dahil talagang maganda ito. Pero nang masabi ng mga lingkod sa reyna ang gusto ng hari, sinabi nitong ayaw niyang pumunta roon. Kaya lubhang nagalit ang hari sa kanya.
Basahin Ester 1
Makinig sa Ester 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Ester 1:1-12
10 Araw
Laging pinangangalagaan ng Diyos ang kanyang mga tao, kahit na ang mga plano ng genocidal ay nagbabanta sa kanilang pagkalipol; isang kamangha-manghang kwento kung paano hinarap ng isang batang babaeng Hudyo ang pinakamakapangyarihang taong nabubuhay upang humingi ng tulong. Araw-araw na paglalakbay kay Esther habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas