Mga Taga-Efeso 4:4-7
Mga Taga-Efeso 4:4-7 ASD
Sapagkat iisang katawan lamang tayo na may iisang Espiritu, at iisa rin ang pag-asang ibinigay sa atin nang tawagin tayo ng Diyos; iisang Panginoon, iisang pananampalataya, at iisang bautismo. Iisa ang Diyos at siya ang Ama nating lahat. Naghahari siya, kumikilos at nananahan sa ating lahat. Ngunit binigyan ang bawat isa sa atin ng kaloob ayon sa nais ibigay ni Kristo.





