Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Efeso 4:4-7 - Compare All Versions

Mga Taga-Efeso 4:4-7 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo'y tawagin ng Diyos. Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat. Ang bawat isa sa ati'y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Cristo.

Mga Taga-Efeso 4:4-7 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sapagkat iisang katawan lamang tayo na may iisang Espiritu, at iisa rin ang pag-asang ibinigay sa atin nang tawagin tayo ng Diyos; iisang Panginoon, iisang pananampalataya, at iisang bautismo. Iisa ang Diyos at siya ang Ama nating lahat. Naghahari siya, kumikilos at nananahan sa ating lahat. Ngunit binigyan ang bawat isa sa atin ng kaloob ayon sa nais ibigay ni Kristo.

Mga Taga-Efeso 4:4-7 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo'y tawagin ng Diyos. Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat. Ang bawat isa sa ati'y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Cristo.

Mga Taga-Efeso 4:4-7 TLAB (Ang Biblia)

May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. Datapuwa't ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.

Mga Taga-Efeso 4:4-7 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))