Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Efeso 4:14-16

Mga Taga-Efeso 4:14-16 ASD

At kapag naabot na natin ito, hindi na tayo tulad ng mga bata na pabago-bago ng isip at nadadala ng ibaʼt ibang aral ng mga taong nanlilinlang, na ang hangad ay dalhin ang mga tao sa kamalian. Sa halip, ipapahayag natin ang katotohanan nang may pag-ibig, upang sa lahat ng bagay ay higit tayong maging katulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya. Sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan ay nagkakaugnay-ugnay, at ang bawat isaʼy nagkakaisa sa kanilang pagtutulungan. At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin, ang buong katawan ay lalago at lalakas sa kanilang pagmamahalan.