Mga Taga-Efeso 2:8-10
Mga Taga-Efeso 2:8-10 ASD
Sapagkat dahil sa biyaya ng Diyos ay naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Kristo. Kaloob ito ng Diyos, at hindi galing sa inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, upang walang maipagmalaki ang sinuman. Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin.











