Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Efeso 2:1-7

Mga Taga-Efeso 2:1-7 ASD

Noong una, itinuring kayong mga patay dahil sa mga pagsuway ninyo at mga kasalanan. Namumuhay kayo dati sa kasalanan, gaya ng mga taong makamundo. Sakop kayo noon ng pinuno ng mga espiritung naghahari sa mundo. At siya ang espiritung kumikilos sa puso ng mga taong ayaw sumunod sa Diyos. Dati, namuhay din tayong katulad nila. Namuhay tayo ayon sa pagnanasa ng laman at sinunod natin ang masasamang hilig ng katawan at pag-iisip. Sa kalagayan nating iyon, kasama rin sana nila tayo na nararapat parusahan ng Diyos. Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.) At dahil sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binuhay tayo ng Diyos mula sa mga patay kasama ni Kristo, upang maghari tayong kasama niya sa kaharian sa langit. Ginawa niya ito upang sa darating na panahon ay maipakita niya sa lahat ang hindi mapapantayang kasaganaan ng kanyang biyaya sa pamamagitan ng kanyang kabutihan sa atin na nasaksihan natin kay Kristo Hesus.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Efeso 2:1-7