Mga Taga-Efeso 2:1-4
Mga Taga-Efeso 2:1-4 ASD
Noong una, itinuring kayong mga patay dahil sa mga pagsuway ninyo at mga kasalanan. Namumuhay kayo dati sa kasalanan, gaya ng mga taong makamundo. Sakop kayo noon ng pinuno ng mga espiritung naghahari sa mundo. At siya ang espiritung kumikilos sa puso ng mga taong ayaw sumunod sa Diyos. Dati, namuhay din tayong katulad nila. Namuhay tayo ayon sa pagnanasa ng laman at sinunod natin ang masasamang hilig ng katawan at pag-iisip. Sa kalagayan nating iyon, kasama rin sana nila tayo na nararapat parusahan ng Diyos. Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin





