Mangangaral 5:1-2
Mangangaral 5:1-2 ASD
Mag-ingat ka sa ikikilos mo kung pupunta ka sa bahay ng Diyos. Mas mabuting pumunta ka roon na handang sumunod sa Diyos, kaysa sa maghandog na gaya ng paghahandog ng isang mangmang na hindi alam kung ano ang mabuti at masama. Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita. Mag-isip ka muna nang mabuti bago ka mangako sa Diyos. Alalahanin mo na ang Diyos ay nasa langit at ikaw ay nandito sa lupa. Kaya mag-ingat ka sa pagsasalita.


