Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mangangaral 3:9-14

Mangangaral 3:9-14 ASD

Ano ang mapapala ng manggagawa sa kanyang pinaghirapan? Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Diyos para sa tao. At lahat ng ito ay itinadhana ng Diyos na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas. Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay. Gusto ng Diyos na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin. Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Diyos para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya.