Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Deuteronomio 5:9-10

Deuteronomio 5:9-10 ASD

Huwag ninyong paglilingkuran o sasambahin ang mga ito, dahil ako ang PANGINOON na inyong Diyos ay mapanibughuin. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin. Ngunit ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyong nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.