Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Amos 1

1
1Ito ang mga pahayag ni Amos na isa sa mga pastol ng kawan ng tupa sa bayan ng Tekoa. Ang mga pangitaing ito tungkol sa Israel ay ipinakita sa kanya noong panahon na si Uzias ang hari ng Juda at si Jeroboam na anak ni Jehoas ang hari ng Israel, dalawang taon bago lumindol.
2Sinabi ni Amos:
“Umaatungal ang Panginoon
mula sa Zion;#1:2 Zion: Isa ito sa mga tawag sa Jerusalem.
dumadagundong ang tinig niya
mula sa Jerusalem.
Dahil dito natutuyo ang mga pastulan
ng mga pastol
at nalalanta ang mga tanim
sa tuktok ng Bundok ng Carmel.”
Ang Hatol sa mga Karatig-bansa ng Israel
3Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Siria:
“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala#1:3 paulit-ulit na pagkakasala: Sa Hebreo, Sa tatlong kasalanan … sa apat na kasalanan. Ganito rin sa talata 6|AMO 1:6, 9|AMO 1:9, 13|AMO 1:13; Amos 2:1, 4, 6.
ng mga taga-Damasco,#1:3 Damasco: Ito ang kabisera ng Siria at kumakatawan sa buong bansa ng Siria.
parurusahan ko sila.
Sapagkat pinagmalupitan nila
ang mga taga-Gilead
na parang giniik ng tabla
na may mga ngiping bakal sa ilalim.
4Kaya susunugin ko
ang palasyo ni Haring Hazael
at ang matitibay na bahagi ng Damasco
na ipinagawa ng anak niyang
si Haring Ben-hadad.
5Wawasakin ko ang pintuan ng Damasco
at papatayin ko ang pinuno
ng Lambak ng Aven at ng Bet-eden.#1:5 Lambak ng Aven at ng Bet-eden: Itoʼy mga lugar na sakop ng Siria.
Bibihagin at dadalhin sa Kir
ang mga mamamayan ng Siria.#1:5 Siria: Sa Hebreo, Aram.
Ako, ang Panginoon,
ang nagsasabi nito.”
Ang Parusa sa Bansang Filistia
6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Filistia:
“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala
ng mga taga-Gaza,#1:6 Gaza: Ang Gaza ay isa sa mga pangunahing lungsod ng Filistia at kumakatawan sa buong bansa ng Filistia.
parurusahan ko sila.
Sapagkat binihag nila
ang lahat ng naninirahan
sa mga bayan
at ipinagbili bilang mga alipin
sa Edom.
7Kaya susunugin ko
ang mga pader#1:7 susunugin ko ang mga pader: Maaaring may mga bahagi ang pader na masusunog ng apoy, o ang apoy dito ay nangangahulugan ng pagkawasak. ng Gaza
at ang matitibay
na bahagi ng lungsod na ito.
8Lilipulin ko ang mga pinuno
ng Asdod at ng Ashkelon,
at parurusahan ko
ang mga taga-Ekron.
At ang mga Filisteong makakatakas sa parusa
ay mamamatay din.
Ako, ang Makapangyarihang Panginoon,
ang nagsasabi nito.”
Ang Parusa sa Bansang Tiro
9Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Tiro:
“Dahil sa paulit-ulit
na pagkakasala ng mga taga-Tiro,
parurusahan ko sila.
Sapagkat ipinagbili nila
ang lahat ng naninirahan
sa mga bayan
bilang mga alipin sa Edom.
Hindi nila sinunod
ang kanilang kasunduang pangkapatiran
sa mga mamamayang ito.
10Kaya susunugin ko
ang mga pader ng Tiro
at ang matitibay na bahagi
ng lungsod nito.”
Ang Parusa sa Bansang Edom
11Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Edom:
“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala
ng mga taga-Edom,
parurusahan ko sila.
Sapagkat tinugis nila
ang kanilang mga kamag-anak na mga Israelita
at walang awang pinatay.
Hinding-hindi mawawala
ang kanilang galit sa mga Israelita.
12Kaya susunugin ko ang Teman
at ang matitibay na bahagi ng Bosra.”#1:12 Teman … Bosra: Itoʼy mga lugar na sakop ng Edom.
Ang Parusa sa Bansang Amon
13Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Amon:
“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala
ng mga Amonita,
parurusahan ko sila.
Sapagkat nilaslas nila ang tiyan
ng mga buntis sa Gilead
nang salakayin nila ito,
upang mapalawak ang kanilang lupain.
14Kaya susunugin ko
ang mga pader ng Rabba#1:14 Rabba: Ito ang kabisera ng Amon.
at ang matitibay
na bahagi ng lungsod na ito
habang nagsisigawan
ang mga kaaway
na sumasalakay sa kanila,
na parang umuugong na bagyo.
15At bibihagin ang hari ng Amon
gayon din ang kanyang mga opisyal,”
sabi ng Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

Amos 1: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in