Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 9:3-9

Mga Gawa 9:3-9 ASD

Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damasco, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” Sumagot si Saulo, “Sino po kayo, Panginoon?” Sinagot siya ng tinig, “Ako si Hesus na iyong inuusig. Tumayo ka at pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Ang mga kasama ni Saulo na naglalakbay ay natigilan at hindi nakapagsalita. Narinig nila ang tinig, ngunit wala silang nakita. Tumayo si Saulo, ngunit pagmulat niya, hindi na siya makakita. Kaya inakay na lang siya ng mga kasama niya hanggang sa Damasco. Tatlong araw siyang hindi nakakita, at hindi siya kumain o uminom.