Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 9:26-31

Mga Gawa 9:26-31 ASD

Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, gusto niya sanang makisalamuha sa mga alagad ni Hesus, pero takot sila sa kanya. Hindi sila naniniwala na siyaʼy alagad na rin ni Hesus. Ngunit isinama siya ni Bernabe at dinala sa mga apostol. Ikinuwento ni Bernabe sa kanila kung paano nakita ni Saulo ang Panginoong Hesus sa daan at kung ano ang sinabi ni Hesus sa kanya. At sinabi rin niya ang katapangan ni Saulo sa pangangaral tungkol kay Hesus doon sa Damasco. Kaya mula noon, kasa-kasama na nila si Saulo sa Jerusalem, at buong tapang siyang nangangaral sa ngalan ng Panginoon. Nakipag-usap din siya at nakipagdebate sa mga Helenista, kaya pinagsikapan nilang patayin siya. Nang malaman ng mga mananampalataya ang plano nila, inihatid nila si Saulo sa Cesarea at pinauwi sa Tarso. Pagkatapos noon, naging matiwasay ang pamumuhay ng iglesya sa buong Judea, sa Galilea, at sa Samaria. Lalo pang lumakas ang kanilang pananampalataya at namuhay silang may takot sa Panginoon. Pinalalakas ng Banal na Espiritu ang kanilang loob, kaya lalo pa silang dumami.