Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 9:1-8

Mga Gawa 9:1-8 ASD

Samantala, patuloy pa rin ang pagbabanta ni Saulo sa buhay ng mga alagad ng Panginoon. Pinuntahan pa niya ang punong pari at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang hulihin at dalhin sa Jerusalem ang sinumang makikita niya doon na sumusunod sa Daan, lalaki man o babae. Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damasco, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” Sumagot si Saulo, “Sino po kayo, Panginoon?” Sinagot siya ng tinig, “Ako si Hesus na iyong inuusig. Tumayo ka at pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Ang mga kasama ni Saulo na naglalakbay ay natigilan at hindi nakapagsalita. Narinig nila ang tinig, ngunit wala silang nakita. Tumayo si Saulo, ngunit pagmulat niya, hindi na siya makakita. Kaya inakay na lang siya ng mga kasama niya hanggang sa Damasco.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Gawa 9:1-8