Kaya ikaw Timoteo, bilang aking anak sa pananampalataya, magpakatatag ka sa tulong ni Kristo Hesus. Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi. Makibahagi ka sa mga paghihirap bilang isang mabuting sundalo ni Kristo Hesus. Katulad ka dapat ng isang sundalong nasa serbisyo; hindi siya nakikisangkot sa iba pang gawain para mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang opisyal. Ganoon din naman, katulad ka dapat ng isang manlalaro; hindi siya makakakuha ng gantimpala kung hindi siya sumusunod sa tuntunin ng laro. At katulad ka rin dapat ng isang masipag na magsasaka; hindi baʼt siya ang unang karapat-dapat na tumanggap ng bahagi sa ani? Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo, at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito. Alalahanin mo ang Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo, na muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko na siyang dahilan ng paghihirap ko hanggang sa ikadena ako na parang isang kriminal. Ngunit hindi nakakadenahan ang salita ng Diyos. Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Diyos, upang makamtan din nila ang kaligtasang nakay Kristo Hesus at ang buhay na walang hanggan. Totoo ang kasabihang: “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya. Kung itatakwil natin siya, itatakwil din niya tayo. Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”
Basahin 2 Timoteo 2
Makinig sa 2 Timoteo 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Timoteo 2:1-13
8 Araw
Ang ikalawang liham kay Timoteo ay tumatawag sa mga tao ng diyos na manindigan para sa salita ng Diyos, bantayan ito, ipangaral ito, at kung kinakailangan, magdusa para dito. Araw-araw na paglalakbay sa 2 Timoteo habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas