2 Mga Taga-Tesalonica 2:10-12
2 Mga Taga-Tesalonica 2:10-12 ASD
Gagamitin niya ang lahat ng uri ng pandaraya sa mga taong mapapahamak. Mapapahamak sila dahil ayaw nilang mahalin at tanggapin ang katotohanang makapagliligtas sa kanila. Kaya pababayaan na lang sila ng Diyos sa matinding pagkalinlang upang maniwala sila sa kasinungalingan, nang sa ganoon, maparusahan ang lahat ng ayaw maniwala sa katotohanan at nagpakaligaya sa kasamaan.


