2 Mga Taga-Tesalonica 2:10-12 - Compare All Versions
2 Mga Taga-Tesalonica 2:10-12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak, sa mga taong ayaw umibig sa katotohanan na makakapagligtas sana sa kanila. Dahil ayaw nilang tanggapin ang katotohanan, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan. Sa gayon, mapaparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan.
2 Mga Taga-Tesalonica 2:10-12 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Gagamitin niya ang lahat ng uri ng pandaraya sa mga taong mapapahamak. Mapapahamak sila dahil ayaw nilang mahalin at tanggapin ang katotohanang makapagliligtas sa kanila. Kaya pababayaan na lang sila ng Diyos sa matinding pagkalinlang upang maniwala sila sa kasinungalingan, nang sa ganoon, maparusahan ang lahat ng ayaw maniwala sa katotohanan at nagpakaligaya sa kasamaan.
2 Mga Taga-Tesalonica 2:10-12 TLAB (Ang Biblia)
At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas. At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.
2 Mga Taga-Tesalonica 2:10-12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak, sa mga taong ayaw umibig sa katotohanan na makakapagligtas sana sa kanila. Dahil ayaw nilang tanggapin ang katotohanan, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan. Sa gayon, mapaparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan.
2 Mga Taga-Tesalonica 2:10-12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))