Sumainyo nawa ang nag-uumapaw na biyaya at kapayapaan dahil sa pagkakakilala ninyo sa ating Diyos at Panginoong Hesus. Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagbigay sa atin ng lahat ng kailangan natin upang makapamuhay tayong may kabanalan. Itoʼy sa pamamagitan ng pagkakakilala natin sa kanya na tumawag sa atin. Tinawag niya tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan niya at kabutihan. At sa pamamagitan din nito, ipinagkaloob niya sa atin ang mahahalaga at dakila niyang mga pangako. Ginawa niya ito upang makabahagi tayo sa kabanalan ng Diyos at matakasan ang mapanirang pagnanasa na umiiral sa mundong ito. Dahil dito, pagsikapan ninyong maidagdag sa pananampalataya nʼyo ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal, ang kaalaman; sa kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa pagpipigil sa sarili, ang pagtitiis; sa pagtitiis, ang kabanalan; sa kabanalan, ang pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo; at sa pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo, ang pag-ibig sa lahat. Sapagkat kung ang mga katangiang ito ay nasa inyo at lumalago, nagiging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang pagkakakilala nʼyo sa ating Panginoong Hesu-Kristo. Ngunit ang mga nagkukulang sa mga katangiang ito ay mga bulag sa katotohanan. Nakalimutan na nilang nilinis na sila ng Diyos sa dati nilang mga kasalanan. Kaya nga, minamahal kong mga kapatid kay Kristo, pagsikapan ninyong mapatunayan na mga tinawag nga kayo at pinili ng Diyos. Sapagkat kung gagawin nʼyo ang mga bagay na ito, hindi kayo matitisod, kundi buong galak kayong tatanggapin sa walang katapusang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.
Basahin 2 Pedro 1
Makinig sa 2 Pedro 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Pedro 1:2-11
5 Araw
Sa gitna ng buhay na walang katiyakan, matututuhan nating panghawakan ang ating pananampalataya kay JesuCristo. Maraming mga hadlang at hamon, subalit nakatitiyak tayo na makakapagpatuloy sa ating pananampalataya dahil kasama natin si Jesus. Ang debosyonal na ito ay magpapatibay sa ating pananampalataya sa Diyos.
14 Araw
Ang Ikalawang sulat mula kay Pedro ay tungkol sa biyaya ng Diyos - kung paano tayo iniligtas, kung paano tayo pinanatili nito at kung paano tayo mabubuhay dito - sa kabila ng sinasabi ng mga bulaang guro. Araw-araw na paglalakbay sa 2 Pedro habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
31 Days
The Bible tells us that "in His presence is fullness of joy" and that "the joy of the Lord is our strength". Joy isn't simply another emotion; it is a fruit of the Spirit and one of the best weapons in your arsenal to fight against discouragement, depression, and defeat. Learn what the Bible has to say about joy, and strengthening yourself to become a defiantly joyful Christian.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas