Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 3:2-5

2 Mga Taga-Corinto 3:2-5 ASD

Kayo na mismo ang rekomendasyong nakasulat sa aming mga puso, dahil ang pamumuhay ninyo ay nakikita at nababasa ng lahat. Malinaw na ang buhay nʼyo ay parang isang sulat mula kay Kristo na isinulat sa pamamagitan ng aming paglilingkod. Hindi tinta ang ipinansulat nito kundi ang Espiritu ng Diyos na buháy. At hindi rin ito isinulat sa malalapad na bato, kundi sa puso ng mga tao. Panatag naming nasasabi ang mga ito dahil sa aming pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Kung sa aming sarili lamang, wala kaming sapat na kakayahang gawin ito. Lahat ng aming kakayahan ay mula sa Diyos.