2 Mga Taga-Corinto 3:2-5
2 Mga Taga-Corinto 3:2-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kayo na mismo ang aming rekomendasyon, kayo na nakasulat sa aming puso at makikilala at mababasa ng lahat. Maliwanag na kayo ang sulat ni Cristo, ang sulat na ipinadala niya sa pamamagitan namin, hindi nakasulat sa pamamagitan ng tinta, kundi isinulat ng Espiritu ng Diyos na buháy, at hindi sa mga tapyas na bato kundi sa puso ng mga tao. Nasasabi namin ito dahil kami ay may pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming kakayahang gawin ito; subalit ang aming kakayahan ay kaloob ng Diyos.
2 Mga Taga-Corinto 3:2-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kayo na mismo ang rekomendasyong nakasulat sa aming mga puso, dahil ang pamumuhay ninyo ay nakikita at nababasa ng lahat. Malinaw na ang buhay nʼyo ay parang isang sulat mula kay Kristo na isinulat sa pamamagitan ng aming paglilingkod. Hindi tinta ang ipinansulat nito kundi ang Espiritu ng Diyos na buháy. At hindi rin ito isinulat sa malalapad na bato, kundi sa puso ng mga tao. Panatag naming nasasabi ang mga ito dahil sa aming pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Kung sa aming sarili lamang, wala kaming sapat na kakayahang gawin ito. Lahat ng aming kakayahan ay mula sa Diyos.
2 Mga Taga-Corinto 3:2-5 Ang Biblia (TLAB)
Kayo ay ang aming sulat, na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao; Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman. At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo: Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios
2 Mga Taga-Corinto 3:2-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kayo na mismo ang aming rekomendasyon, kayo na nakasulat sa aming puso at makikilala at mababasa ng lahat. Maliwanag na kayo ang sulat ni Cristo, ang sulat na ipinadala niya sa pamamagitan namin, hindi nakasulat sa pamamagitan ng tinta, kundi isinulat ng Espiritu ng Diyos na buháy, at hindi sa mga tapyas na bato kundi sa puso ng mga tao. Nasasabi namin ito dahil kami ay may pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming kakayahang gawin ito; subalit ang aming kakayahan ay kaloob ng Diyos.
2 Mga Taga-Corinto 3:2-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kayo ay ang aming sulat, na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao; Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buháy, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman. At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo: Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios