Huwag mong pagsasabihan nang marahas ang matatandang lalaki, sa halip kausapin mo sila na parang iyong ama. Ituring mo ang mga kabataang lalaki na parang mga kapatid, at ang matatandang babae na parang iyong ina. Pakitunguhan mo nang may malinis na puso ang mga nakababatang babae na parang kapatid mo na rin. Bigyan mo ng kaukulang pansin at tulong ang mga biyudang talagang nangangailangan. Ngunit kung may mga anak o apo siya, matuto muna dapat silang gampanan ang tungkulin nila sa kanilang sambahayan at matutong tumanaw ng utang na loob sa kanilang magulang. Sapagkat nakalulugod ito sa Diyos. Ang biyudang talagang nangangailangan ay umaasa na lang sa Diyos. Araw-gabi siyang nananalangin at humihingi ng tulong sa Diyos. Ngunit ang biyudang nabubuhay sa sariling kalayawan ay patay na sa paningin ng Diyos kahit na buháy pa siya. Ituro mo sa mga kapatid ang mga tuntuning ito upang walang maipintas sa kanila. Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya. Ang isasama mo lang sa listahan ng mga biyuda na tutulungan ay ang mga hindi bababa sa 60 taóng gulang at naging tapat sa asawa niya, kilala sa paggawa ng mabuti gaya ng maayos na pagpapalaki sa mga anak, bukás ang tahanan sa mga nakikituloy, hinuhugasan ang paa ng mga hinirang ng Diyos, tumutulong sa mga nangangailangan, at inilalaan ang sarili sa mabubuting gawa. Ngunit huwag mong isama sa listahan ang mga biyuda na bata pa; dahil kung matatalo ng kanilang pagnanasa ang katapatan nila kay Kristo, nanaisin nilang mag-asawa muli. At dahil ditoʼy magkakasala sila sapagkat hindi nila tinupad ang dati nilang pangako na maglilingkod na lamang sila kay Kristo. Maliban dito, matututo silang maging tamad at mag-aksaya ng panahon sa pangangapit-bahay. Hindi lang sila magiging tamad kundi magiging tsismosa, pakialamera, at nagsasalita ng mga bagay na hindi nila dapat sabihin. Kaya para sa akin, kung ganito lang ang mangyayari, mas mabuti pang muli na lang silang mag-asawa at magkaanak, at mag-asikaso sa sariling pamilya. Sa ganoon, walang masasabing masama ang mga sumasalungat sa atin. Sinasabi ko ito dahil may ilang biyuda na ang tumalikod sa pananampalataya at sumusunod na kay Satanas. Kung ang isang mananampalatayang babae ay may kamag-anak na biyuda, dapat niya itong tulungan. Sa ganoon, hindi mabibigatan ang iglesya sa pag-aaruga sa kanila, at matutulungan pa ang mga biyuda na talagang nangangailangan.
Basahin 1 Timoteo 5
Makinig sa 1 Timoteo 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Timoteo 5:1-16
13 Araw
Ang unang liham kay Timoteo ay nagbibigay ng praktikal na mga indikasyon na ang isang tao ay nabago ng mga tunay na palatandaan ng kabanalan ng ebanghelyo. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Timoteo habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas