Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Timoteo 4:6-10

1 Timoteo 4:6-10 ASD

Magiging mabuti kang lingkod ni Kristo Hesus kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito. At sa pagtuturo mo sa kanila, lalago ka rin sa pamamagitan ng mga katotohanan ng pananampalataya natin at ng mabuting aral na sinusunod mo. Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga walang kabuluhang alamat na sabi-sabi lang ng matatanda. Sa halip, sanayin mo sa kabanalan ang iyong sarili. Ang pagsasanay ng katawan ay may mabuting naidudulot, ngunit ang banal na pamumuhay ay higit na kapakipakinabang, sapagkat itoʼy may pangako hindi lang sa buhay na ito, kundi maging sa buhay na darating. Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at karapat-dapat tanggapin ng lahat. At ito ang dahilan kung bakit nagsisikap at nagtitiyaga tayo sa pagtuturo sa mga tao, dahil umaasa tayo sa Diyos na buháy na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na ng mga mananampalataya.