Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat. Palagi kayong magalak, palaging manalangin, at magpasalamat kayo sa lahat ng pagkakataon, dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na mga nakay Kristo Hesus. Huwag ninyong hadlangan ang Espiritu, at huwag ninyong hamakin ang mga propesiya. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat upang malaman kung galing ito sa Diyos o hindi. Panghawakan ninyo ang mabuti, at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan. Pakabanalin nawa kayong lubos ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawaʼy panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong pagkatao; ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo, at gagawin niya itong mga sinasabi namin. Ipanalangin nʼyo rin kami, mga kapatid. Batiin ninyo ang lahat ng kapatiran ng banal na halik. Iniuutos ko sa inyo, sa pangalan ng Panginoon, na basahin ninyo ang liham na ito sa lahat ng mga kapatiran. Sumainyo nawa ang biyaya ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Basahin 1 Mga Taga-Tesalonica 5
Makinig sa 1 Mga Taga-Tesalonica 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Taga-Tesalonica 5:15-28
5 Araw
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.
14 Araw
“Narinig mo ba na babalik si Jesus?”—iyan ang paalala sa unang liham na ito sa mga taga-Tesalonica, na humahamon sa lahat na “magpakahusay pa” sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Tesalonica habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
31 Days
The Bible tells us that "in His presence is fullness of joy" and that "the joy of the Lord is our strength". Joy isn't simply another emotion; it is a fruit of the Spirit and one of the best weapons in your arsenal to fight against discouragement, depression, and defeat. Learn what the Bible has to say about joy, and strengthening yourself to become a defiantly joyful Christian.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas