kayo din, tulad ng mga batong buháy ay patuloy na itinatayo ng Diyos bilang isang gusaling espirituwal. At bilang mga banal na paring pinili ng Diyos, nag-aalay kayo sa kanya ng mga espirituwal na handog na kalugod-lugod sa kanya dahil ginagawa nʼyo ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan: “May pinili akong maghahari sa Zion. Tulad niyaʼy mahalagang bato na ginawa kong pundasyon. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” Kaya kayong sumasampalataya ay pararangalan ng Diyos. Ngunit sa taong hindi sumasampalataya ay naganap ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon.” “Ang batong ito ang dahilan na katitisuran ng mga tao at nadadapa sila dahil dito.” Natitisod sila dahil ayaw nilang sundin ang salita ng Diyos; ganoon ang nakatalaga para sa kanila. Ngunit kayoʼy bayang hinirang, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Diyos. Pinili kayo ng Diyos na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan. Noon kayoʼy hindi bayan ng Diyos; ngunit ngayon, kayoʼy hinirang upang maging bayan niya. Hindi kayo nakatanggap ng habag noon, subalit ngayoʼy tumanggap kayo ng habag mula sa kanya. Mga minamahal, kayoʼy mga dayuhan lamang dito sa mundo. Kaya nakikiusap ako sa inyong talikuran na ninyo ang masasamang pagnanasa ng inyong katawan na nakikipaglaban sa inyong espiritu. Sa lahat ng oras, ipakita nʼyo sa mga taong hindi kumikilala sa Diyos ang matuwid ninyong pamumuhay. Kahit paratangan nila kayo ngayon ng masama, sa bandang huli ay makikita nila ang mga kabutihang ginagawa nʼyo at luluwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng pagdating niya.
Basahin 1 Pedro 2
Makinig sa 1 Pedro 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Pedro 2:5-12
6 Days
What is truth? Culture is buying the lie that truth is a river, ebbing and flowing with the passage of time. But truth is not a river—it is a rock. And in a raging sea of opinions, this plan will help anchor your soul—giving you a clear sense of direction in a wandering world.
7 Araw
Sa simula ng bawat taon, maglaan tayo ng oras para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Sa panahong ito, tingnan natin kung paano tayo tinawag ng Diyos na tanggapin ang Kanyang biyaya upang tayo ay maging banal at mamuhay para kay Cristo.
7 Mga araw
7-day Reading Plan Patungkol sa Dayuhan Tayo Sa Mundo
8 Mga araw
Taun-taon, ginugunita ng buong mundo ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo—ang pinakamahalagang katotohanan. Sama-sama nating gunitain ang pagnanais ng Diyos na magkaroon ng malapit na ugnayan sa atin na binigyang katuparan ng Kanyang Anak na si Jesus.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas