Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Pedro 2:4-7

1 Pedro 2:4-7 ASD

Siya ang batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa paningin niya. At habang lumalapit kayo sa kanya, kayo din, tulad ng mga batong buháy ay patuloy na itinatayo ng Diyos bilang isang gusaling espirituwal. At bilang mga banal na paring pinili ng Diyos, nag-aalay kayo sa kanya ng mga espirituwal na handog na kalugod-lugod sa kanya dahil ginagawa nʼyo ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan: “May pinili akong maghahari sa Zion. Tulad niyaʼy mahalagang bato na ginawa kong pundasyon. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” Kaya kayong sumasampalataya ay pararangalan ng Diyos. Ngunit sa taong hindi sumasampalataya ay naganap ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon.”