Ang katawan ay hindi binubuo ng iisang bahagi lamang kundi ng maraming bahagi. Kaya kung sasabihin ng paa, “Dahil hindi ako kamay, hindi ako bahagi ng katawan,” hindi ito nangangahulugang hindi na ito bahagi ng katawan. At kung sasabihin naman ng tainga, “Dahil hindi ako mata, hindi ako bahagi ng katawan,” hindi rin ito nangangahulugang hindi na ito bahagi ng katawan. Dahil kung ang buong katawan ay puro mata, paano ito makakarinig? At kung ang katawan ay puro lamang tainga, paano ito makakaamoy? Ngunit nilikha ng Diyos ang ating katawan na may ibaʼt ibang bahagi ayon sa kanyang nais. Kung ang katawan ay binubuo lamang ng isang bahagi, matatawag pa ba itong katawan? Ang totooʼy ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, ngunit iisang katawan lamang ito. Kaya hindi maaaring sabihin ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” at hindi rin masasabi ng ulo sa paa, “Hindi kita kailangan.” Ang totoo, ang mga bahagi ng katawan na parang mahina ang siya pang kailangang-kailangan. Ang mga bahagi ng katawan na sa tingin natin ay hindi gaanong mahalaga ay inaalagaan nating mabuti, at ang mga bahaging hindi maganda ay ating pinapaganda. Hindi na kailangang pagandahin ang mga bahaging maganda na. Ganoon din nang isaayos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng karangalan ang mga bahaging hindi gaanong marangal, upang hindi magkaroon ng pagkakahati-hati sa katawan; sa halip, magkaroon ang bawat bahagi ng pagmamalasakit sa isaʼt isa. Kaya kung nasasaktan ang isang bahagi ng katawan, ang ibang bahagi ay nasasaktan din. At kung ang isang bahagi ay pinararangalan, ang ibang bahagi ay natutuwa rin.
Basahin 1 Mga Taga-Corinto 12
Makinig sa 1 Mga Taga-Corinto 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Taga-Corinto 12:14-26
5 Days
Do you sometimes feel like you’ve lost yourself or seem to carry labels that don’t quite fit you? Perhaps you’re struggling to find the real “you” to embrace. This reading plan is a journey through Scripture on how to shred the labels and be one hundred percent you. Start today and learn to embrace your identity!
How do you faithfully follow Jesus in a divided world? In a world where every issue has become a battle between “us” and “them,” it is more important than ever to remember that no matter what, Jesus is still on the throne. Learn how to respond to an increasingly divided world as a disciple of Jesus.
6 Days
Each daily reading provides insight to how to worship God in every aspect of life and will inspire readers to focus their heart completely on their relationship with Christ. This devotional is based on R. T. Kendall's book Worshipping God. (R. T. Kendall was the pastor of Westminster Chapel in London, England, for twenty-five years.)
What advice do a few lesser known biblical figures have to give Millennials and/or Gen Z-ers? Find out in this 6-day Bible Plan.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas