Kapag nagsasalita ako,
isinisigaw ko po
ang mensahe ninyo, PANGINOON,
na tungkol sa karahasan
at pagkawasak!
At dahil sa ipinasasabi ninyong ito,
pinagtatawanan po nila ako
at kinukutya.
Kung minsan, naiisip kong huwag na lang magsalita
ng tungkol sa inyo
o sabihin ang ipinasasabi ninyo.
Ngunit hindi ko po mapigilan,
dahil ang mga salita ninyo
ay parang apoy
na nagniningas sa aking puso
at mga buto.
Pagod na ako sa kapipigil dito.