Jeremias 20:8-9
Jeremias 20:8-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tuwing ako'y magsasalita at sisigaw ng “Karahasan! Pagkawasak!” Pinagtatawanan nila ako't hinahamak, sapagkat ipinapahayag ko ang iyong salita. Ngunit kung sabihin kong, “Kalilimutan ko na si Yahweh at hindi na ako magsasalita para sa kanyang pangalan,” para namang apoy na naglalagablab sa aking kalooban ang iyong mga salita, apoy na nakakulong sa aking mga buto. Sinikap kong tiisin ito, ngunit hindi ko na kayang pigilin pa.
Jeremias 20:8-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kapag nagsasalita ako, isinisigaw ko po ang mensahe ninyo, PANGINOON, na tungkol sa karahasan at pagkawasak! At dahil sa ipinasasabi ninyong ito, pinagtatawanan po nila ako at kinukutya. Kung minsan, naiisip kong huwag na lang magsalita ng tungkol sa inyo o sabihin ang ipinasasabi ninyo. Ngunit hindi ko po mapigilan, dahil ang mga salita ninyo ay parang apoy na nagniningas sa aking puso at mga buto. Pagod na ako sa kapipigil dito.
Jeremias 20:8-9 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't kung paano kadalas nagsasalita ako, humihiyaw ako; humihiyaw ako, Pangdadahas at paninira; sapagka't ang salita ng Panginoon ay naging kakutyaan sa akin, at kadustaan, lahat ng araw. At kung aking sabihin, Hindi ko babanggitin siya, o magsasalita ng ano pa man sa kaniyang pangalan, mayroon nga sa aking puso na wari nagaalab na apoy na nakukulong sa aking mga buto, at ako'y pagod ng pagpipigil, at hindi makapagpigil.
Jeremias 20:8-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tuwing ako'y magsasalita at sisigaw ng “Karahasan! Pagkawasak!” Pinagtatawanan nila ako't hinahamak, sapagkat ipinapahayag ko ang iyong salita. Ngunit kung sabihin kong, “Kalilimutan ko na si Yahweh at hindi na ako magsasalita para sa kanyang pangalan,” para namang apoy na naglalagablab sa aking kalooban ang iyong mga salita, apoy na nakakulong sa aking mga buto. Sinikap kong tiisin ito, ngunit hindi ko na kayang pigilin pa.
Jeremias 20:8-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)