Kung paanong ang ulan at nyebe
ay nagmumula sa itaas,
at hindi bumabalik doon
hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay
ng tubig sa lupa
at nakapagpapalago ng mga halaman
upang makapagbigay ng binhi
at pagkain sa nagtatanim
at sa mga tao.
Ganyan din ang aking mga salita,
hindi ito mawawalan ng kabuluhan.
Isasakatuparan nito ang aking ninanais,
at isasagawa ang aking layunin
kung bakit ko ito ipinadala.