1
Isaias 54:17
Ang Salita ng Diyos
ASD
Walang anumang sandatang nagawa ang magtatagumpay laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang laban sa iyo. Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod. Bibigyan ko sila ng tagumpay,” sabi ng PANGINOON.
Paghambingin
I-explore Isaias 54:17
2
Isaias 54:10
Kahit mayanig ang mga bundok, at maglaho ang mga burol, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mayayanig, at ang kapayapaang ipinangako ko ay hindi maglalaho,” sabi ng PANGINOONG nagmamalasakit sa iyo.
I-explore Isaias 54:10
3
Isaias 54:4
“Huwag kang matakot dahil hindi ka mapapahiya. Malilimutan mo na ang kahihiyan ng iyong kabataan at hindi mo na maaalala ang pangungutya dala ng iyong pagkabalo.
I-explore Isaias 54:4
4
Isaias 54:5
Sapagkat ako na lumikha sa iyo ay para mong asawa. PANGINOON ng mga Hukbo ang pangalan ko. Ako ang Banal na Diyos ng Israel, ang iyong Tagapagligtas. Tinatawag akong ‘Diyos ng buong mundo.’
I-explore Isaias 54:5
5
Isaias 54:2
Palawakin mo ang lugar ng iyong tolda, at iunat nang malapad ang iyong mga kurtina. Huwag mong liliitan. Pahabain mo ang iyong mga lubid at pagtibayin ang mga tulos.
I-explore Isaias 54:2
6
Isaias 54:13
Ang iyong mga anak ay tuturuan ng PANGINOON at silaʼy magkakaroon ng kapayapaan.
I-explore Isaias 54:13
7
Isaias 54:8
Dahil sa bugso ng galit ko sa iyo, iniwan kita nang panandalian, ngunit dahil sa walang hanggang pag-ibig ko sa iyo, kaaawaan kita,” sabi ng PANGINOON na inyong Tagapagligtas.
I-explore Isaias 54:8
8
Isaias 54:7
“Iniwan kitang pansamantala, ngunit dahil sa laki ng awa ko sa iyo ay muli kitang kukupkupin.
I-explore Isaias 54:7
9
Isaias 54:9
“Para sa akin, katulad ito noong panahon ni Noe nang nangako akong hindi ko na gugunawin ang mundo. Kaya ngayon, nangangako akong hindi na ako magagalit ni magpaparusa sa inyo.
I-explore Isaias 54:9
10
Isaias 54:12
Mga batong rubi ang gagamitin ko sa iyong mga tore, mga makikislap na bato sa iyong mga pinto, at mamahaling hiyas sa iyong mga pader.
I-explore Isaias 54:12
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas