1
Isaias 53:5
Ang Salita ng Diyos
ASD
Subalit, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; dinurog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ay nagdulot sa atin ng kapayapaan. At dahil sa kanyang mga sugat, tayoʼy may kagalingan.
Paghambingin
I-explore Isaias 53:5
2
Isaias 53:6
Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw. Bawat isa sa atin ay gumawa ng nais nating gawin. Ngunit siya ang pinarusahan ng PANGINOON ng parusang dapat sana ay para sa ating lahat.
I-explore Isaias 53:6
3
Isaias 53:4
Ang totoo, pinasan niya ang mga sakit natin, at tiniis ang mga pighating dapat sanaʼy ating dadanasin. Inakala nating siyaʼy pinarusahan ng Diyos, sinaktan at pinahirapan.
I-explore Isaias 53:4
4
Isaias 53:3
Hinamak siya at itinakwil ng mga tao. Dumanas siya ng mga sakit at hirap. Tinalikuran natin siya, hinamak, at isinawalang-bahala.
I-explore Isaias 53:3
5
Isaias 53:7
Inapi siya at sinaktan, ngunit hindi man lang dumaing. Para siyang tupang dadalhin sa katayan upang patayin, o tupang gugupitan na hindi man lang umiimik.
I-explore Isaias 53:7
6
Isaias 53:10
Ngunit niloob ng PANGINOON na siyaʼy durugin at pahirapan. Kahit na ang kanyang buhay ay ginawang handog ng PANGINOON para sa kapatawaran ng kasalanan, makikita niya ang pagpapatuloy ng kanyang lahi at matatamasa niya ang mahabang buhay. At sa pamamagitan niya ay matutupad ang kalooban ng PANGINOON.
I-explore Isaias 53:10
7
Isaias 53:2
Ang kanyang lingkod ay lumago sa harapan niya na katulad ng isang tanim na sumisibol mula sa tuyong lupa. Wala siyang kagandahan o kadakilaan para maakit tayo sa kanya. Walang anuman sa kanyang hitsura para magustuhan natin siya.
I-explore Isaias 53:2
8
Isaias 53:12
Dahil dito, pararangalan ko siya katulad ng mga taong tanyag at makapangyarihan dahil ibinigay niya ang buhay niya. Ibinilang siya na isa sa mga makasalanan. Nagdusa siya para sa maraming makasalanan at hiniling pa niya sa Diyos na silaʼy patawarin.
I-explore Isaias 53:12
9
Isaias 53:11
Kapag matapos na ang kanyang paghihirap, makikita niya ang liwanag at masisiyahan siya. Dahil sa karunungan ng aking matuwid na lingkod, marami ang ituturing na matuwid, at siya ang papasan sa kaparusahan ng kanilang mga kasalanan.
I-explore Isaias 53:11
10
Isaias 53:8
Hinuli siya, hinatulan, at pinatay. Walang nakaisip, isa man sa mga salinlahi niya, na pinatay siya dahil sa kanilang mga kasalanan, at kinitil nang maaga ang kanyang buhay, at tiniis niya ang parusang dapat sana ay para sa kanila.
I-explore Isaias 53:8
11
Isaias 53:9
Kahit na wala siyang ginawang kasalanan at anumang pandaraya, inilibing siyang parang isang kriminal; inilibing siyang kasama ng mga mayayaman.
I-explore Isaias 53:9
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas